United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang asal ni ina'y aklat n~g paglin~gap, Salaming malinaw, ban~gong walang kupas, Suhay n~g mahinhin, sulo n~g mapalad, Mundong walang gabi, gabi n~g walang ulap. Ang salitang damot ay di kakilala, Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya't Tan~ging kayamanan ang pakikisama. Sa kanya ay Diyos ang m~ga pulubi, Ang dukha ay Hari't Kristo ang duhagi, Iyan ang ugali n~g ina kong kasi.
Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo siyáng ináani; galák n~g pagsuyo, pinagúusapan, ang ikárarangál n~g kaniláng puso na ganitóng saád nang minsáng mahinto: «Kay damot mo namán,» kay Osong na sabi, «isáng halík lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalíw at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...» «¡Ayáw ko! ¡ayáw ko!...» kay Tuníng na tanggí.