United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ihahan~gang dito't dapat ding mag-in~gat. ang tawo sa pulan~g nagsalasalabat kung man máluklok sa dakilang taas ay huag mangyaring malunod sa libák. Ang lahat mong saysay Dalmaciang kapatid ay dapat ilimbag sa ubod n~g dibdib, n~guni't ang hiling ko'y huag ipagkait ¿naganti mo na ba ang padalang titik?

Muhang halimbawâ at kayo'y pumaris doon kay Dalmaciang dunong na mag-isip hindí nabighaning natol sa pag-ibig at ang alaala'y ang huling sasapit. At kung mangyayari mahalintularan yaong kay Marcelang mapayapang búhay hindí nabighaning ang puso'y ibigay sa parayang hilíng nitong kamunduhán.

Sa puno n~g kahoy tubig na nunukal walang kasingsaráp at sakdal n~g linaw at sa dakong dulo'y kung anong dahila't bibihirang tamís ang mánanamnamán. Ihahangang dito Dalmaciang kapatid ang kantang kundimang nahiling n~g dibdib yao'y malaon na sa tandaang isip boong kahuluga'y di ko nababatid.

At ang pagka-awa sa kapua tawo huag lilimutin, Dalmaciang anak ko, at yaón ang binhíng pag-aanihan mo sa kalilipatang huling Paraiso. Ang lahat n~g aking m~ga tagubilin bunsó sa dibdib mo ay papagtibain at ito ang gabáy na guguyabinín hangang binibig-yan n~g búhay na angkín.

Sa lahat n~g aking inilagdang titik ¿anong palagay mo Dalmaciang kapatid? sa aki'y husto na't hindí nálilihís tungkol kay Constanciong alay na pag-ibig. Cela'y tiklupin mo't sa pagbabalutan lalagyan n~g guhit ang aking pan~galan tandáng maguing saksing ako ang may bigay sa tawong nagdalá n~g panugong liham. Ang pag owi ni Dalmacia.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap