United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nan~gagtutulacán, nagsisicsican, nan~gagdudurugan ang isá't isá, at nan~gagdarain~gan ang iláng lumálabas at ang maraming nagsisipasoc. Malayò pa'y iniuunat na ang camáy sa pagbabasâ n~g m~ga dalirì n~g túbig na bendita, n~guni't caguinsaguinsa'y dumárating ang isáng álon n~g pagtutulacán at napapalayô ang camay: Naririn~gig pagca nagcacagayon ang isáng án~gil, nagmúmura ang isáng babaeng nayapacan, datapuwa't hindî tumitiguil ang pagtutulacán. Ang iláng matandang lalaking naisasawsaw ang m~ga dalirì sa tubig na iyóng culay pusalí na, palibhasa'y naghúgas n~g camáy roon ang boong báyan, bucód pa sa m~ga taga-ibáng báyang doo'y dumarayo, ipinapahid ang túbig na iyón n~g boong pamimintacasi, baga mán sila'y nahihirapan dahil sa casicpán, sa caniláng bátoc, sa puyó, sa noo, sa ilóng, sa bab

Bayaran mo na ang sinasabi niláng ninácaw co, at n~g huwag táyong tawáguing m~ga magnanacaw; ¡bayáran mo na, cacâ! ¿Naúulol ca , Crispín? Waláng macacain ang nánay; ang sabi n~g sacristan mayor ay nagnacaw ca raw n~g dalawáng onza, at ang dalawang onza ay tatlompo't dalawáng piso. Bumilang ang malíit sa canyáng m~ga dalírì hanggáng sa dumating sa tatlompo't dalawá.

Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castil

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap