United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hinauacan capagcuan yaóng daliring marangal, at saca siya nagsaysay ito ang ibig cong tunay. Hindi nanga binitiuan sa daliri'i, pagcatangan, capagdaca ay binucsan cuartong quinalalag-yan. Di anong magagaua pa nitong daquilang monarca, ang mahal sa loob niya ang siya bagang nacuha. Nagsama na capagdaca magcaibigang dalauá, nag-isip nag-ala-ala itong daquilang monarca.

Marali nang iyong gauin mulí mo acong tadtarin, maca ang hari'i, maguisíng ay uala pa yaong singsing. Sa pagmamadalí niya nang pagtadtad sa princesa, umilandang capagdaca dulo nang daliri bagá. Sa tubig nang ihulog na naguing isdá ang princesa, ang singsing ay nang macuha naguing tauong mulí siya. Sa daliri'i, inilagay isinipót na ang camay, quinuha na ni don Juan at ang princesa'i, lumitao.

Sa calaunang pag-litao singsing sa daliri'i, taglay, sino ang cucuha naman natutulog si don Juan. Sa uala nganing cumuha singsing sa daliri niya, mulíng lumubóg pagdaca itong si doña María. Lumitao na muling tambing itong princesang butihin, at hinihintay na cunin ang na sa daliring singsing. At sa uala ring umabot singsing niyang isinipot, nasoc sa caniyang loob si don Jua'i, natutulog.

Huag cang matulog naman at aco'i, iyong abangan, cunin mo sa aquing camáy ang singsing cong ililitao. Tinadtad na ngani niya itong si doña María, sa tubig inihulog na naguing isang isda siya. Sa calaunang di hamac sa ilalim ay paghanap, ay nacatulog na agad itong príncipeng marilag. Nang ang singsing ay macuha naguing tauo ang princesa, daliri'i, inalitao na si don Juan ang cucuha.

At umahon nanga siya sa batia'i, sumacay na, dulong hintuturo niya ang siyang ipinaquita. Tingnan mo ito don Juan ang aquing daliri'i, culang, ito'i, tandaan mo bilang na sucat ipagcaquilanlan. Yao na't, umahon bagá dalauang magcasi't, sintá, ang princesa'i, nagtuloy na sa real palaciong sadyá. Sa pagtulog na mahusay nang hari niyang magulang, ipinailalim sa unan ang singsing na minamahal.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap