United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa panahon n~g digma ay papapagsandatahin ang m~ga lalaquing ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang m~ga uala ring asaua mula sa labing ualo. ICASAMPUNG CASAYSAYAN. Tungcol sa pagtuturo sa bayan . Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon n~g tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua mataas na aral; icatló m~ga carunun~gan.

Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.

Ang m~ga nag babayad n~g ambagan na sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad, at di nasusucuban n~g capangyarihan n~g magulang ó nang asaua, ay magcacaroon nang catuirang macapaghalal sa ano mang catungculan sa bayan, liban na lamang cun iuala nila ang capangyarihang ito sa pamumuhay na halaghag ó sa pagca't sila'y binibiguiang usap ó nahatulan sa ano mang casalanan.

Mabibilang sa man~ga mamamayan dito sa Pilipinas ang man~ga anac nang man~ga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap-buhay na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan n~g caniyang magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan.