United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian n~g m~ga magulang mula sa pagkabata n~g m~ga anak, at kung gayon ay katungkulan n~g m~ga magulang n~g lalaki na ipagpauna ang kalahati n~g bigay-kaya na pinan~gan~ganlang kalabgayan at pagdating n~g araw n~g pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinan~gan~ganlan bigay ó dahik . Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang n~g babae.
Pagdating n~g tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang caganapang bigay-kaya na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya ay ligay ó dahik , ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa ipinaghahanda pa't pinaggugugulan n~g lalaki, ayon sa canyang caya't calagayan.