United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cung pumaroon tayo n~gayón sa bahay ni María Clara, isang magandang púgad na na sa guitna n~g m~ga dalandan at ilang-ilang, mararatnan pa natin ang binata't dalagang capuwâ nacasun~gaw sa isang bintana sa dacong dagatan. Lumililim sa bintanang iyon ang m~ga bulaclac at m~ga halamang gumagapang sa m~ga cawayan at sa m~ga cawad, na pawang nan~gagsasabog n~g pihícang ban~go.

Natatanaw buhat sa maláyò ang iláng tagác na nacadápò sa ibabaw n~g m~ga dúlo n~g m~ga cawayang tólos, na ang anyó'y nagsisipanood, samantalang nan~gagliliparang ang tun~go'y sa iba't ibáng dáco ang m~ga "kalaway" na hinihilahisan n~g caniláng m~ga pacpác ang dacong ibabaw n~g dagatan at pinúpuspos ang impapawid n~g caniláng m~ga húning nanunuot sa tain~ga.

¿Tahímic bagá cayâ ang dagâtan? ¿Inaacála bagá ninyóng magcacaroon tayo n~g mabuting panahón? ang tanóng n~g m~ga iná. ¡Huwág sana cayóng maligalig, m~ga guinoong babae, mabuti acóng luman~góy! ang sagót namán n~g isáng binátang payát at matangcád. ¡Dápat sanang tayo'y nagsimbá múna! ang buntóng-hinin~ ni tía Isabel na pinagduduop ang camáy.

Ang masasama at magagaspang na cagagawán n~g m~ga fraile. Hálos sa pampáng n~g dagátan ang kinálalagyan n~g báyang San Diego , na sumasaguitnâ n~g m~ga capatágang hálamanan at m~ga paláyan.

Sacali't mapagcacalooban po ninyó acó n~g pakikipagsalitaan sa loob n~g iláng oras, maglacádlacád cayó mamayáng hápon sa pampan~gin n~g dagatan at lumulan cayó sa aking bangca, sa pagca't may sasabihin acó sa inyong lubháng mahahalagang bagay ani Elías, at lumayo pagca tapos na makita niyá ang pagtan~ n~g binat

Tinicmán n~g buaya ang hulíng pagpipiglás, ibinalantóc ang catawá't sacâ ipinálò sa batalán ang malacás niyang buntót, at pagcacawala'y sumibát at nilucsó ang dagátan, sa dacong labás n~g baclád, na anó pa't nacaladcad ang sa canya'y nagpapasúcò. Waláng salang mapapatay ang piloto; isáng sigáw n~g panghihilacbót ang tumacas sa lahát n~g m~ga dibdib.

Sinasamantala n~g m~ga "sirena" sa dagatan ang pag-aagaw-dilím n~g oras na iyon n~g matúling pagtatakíp-sílim n~g hapon, upang isun~gaw sa ibabaw n~g m~ga alon ang canilang masasayáng maliliit na úlo at pangguilalasan at bumatì n~g canilang m~ga awit sa araw na naghihin~galô.