United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagpasimulâ n~g paguumaga n~g silá'y dumating sa dagatang noo'y maamo't payapang tulad sa isáng calakilakihang salamín. Cumuculimlím ang buwán at nagcuculay rosa ang Casilan~ganan. Naaninagnagan nilá sa malayò ang isáng bagay na culay nag-aaboabó, na untiunting lumalapit. Dito ang tun~go n~g falúa, ang ibinulóng ni Elías; humigâ po cayó at cayó'y tátacpan co nitóng m~ga bayóng.