United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Asistente, sabihin mo sa babaeng ito sa wicang tagalog, na siya'y cumanta! ¡hindi niya aco mawatasan, hindi siya marunong n~g castila! Nawatasan ni Sisa ang asistente at kinanta niya ang canción n~g Gabi.
¡Huwag, huwag ca n~g cumanta! ang sigaw n~g alfereza, sa ganap na wicang tagalog, at tumindig na malaki ang balisa; ¡huwag ca n~g cumanta! ¡nacalalaguim sa akin ang m~ga tulang iyan! Tumiguil ang ul-ol na babae n~g pagcacanta: nagbitiw ang asistente n~g isang: ¡Aba! ¡sabe pala tagalog!
"Ang canción n~g Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay n~g m~ga cahirapan at m~ga calungcutan n~g matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang m~ga catuwaan. Nang magcagayo'y hinin~gî niláng cumantá sí María Clara. Pawang malulungcot na lahát ang aking m~ga "canción". ¡Hindî cailan~gan! ¡hindî cailan~gan! ang sabíhan n~g lahát.
Salita Ng Araw