United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At binitawan ang sanlazarohin at lumayóng cumacantá: ¡Dáting may halamanan aco't m~ga bulaclác, aco'y dating may m~ga anác na lalaki, halamanan at m~ga bulaclác! ¿Anó na ba ang nagawâ mong magaling sa cahabághabág na babaeng iyán? ang tanóng ni María Clara cay Ibarra.
Alinsunod sa aming sinabi, si párì Salví'y totoong masigasig gumanap n~g canyáng m~ga catungculan; napacasigasig namán, ang sabi n~g alfèrez, Samantalang nagsesermon totoong siya'y maibiguíng magsermon pinasasarhan niyá, ang m~ga pintuan n~g simbahan. Sa ganitóng gawá'y natutulad siyá cay Nerón na ayaw magpaalis canino man, samantalang cumacanta sa teatro: n~guni't guinagawa iyón ni Nerón sa icágagaling, datapuwa't guinágaw
Salita Ng Araw