United States or Argentina ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sa babaeng pananamit ay isang sutlang "bata" na nabuburdahan n~g m~ga bulaclac, at may isang sombrerong may isang malaking ibong "papagayo" na halos nababayuot sa m~ga cintas na azul at pula; ang nan~gagcacahalong alaboc n~g daan at galapong n~g bigas sa canyang m~ga pisn~gi ang siya manding nagdaragdag n~g canyang m~ga culubot; n~gayo'y inaalalayan sa m~ga bisig ang canyang asawang pilay, na gaya rin n~g siya'y makita natin sa Maynila.
¡Pagalin~gin nawâ cayó n~g Dios sa inyóng sakít! ang siyáng batì n~g batang dominico pagpasoc. Nacaupo sa isáng malaking sillón ang isáng matandáng párì, culubót at gá namúmutlâ na ang balát n~g mukhâ, cawan~gis n~g isá riyán sa m~ga santong ipinintá ni Rivera.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap