United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na cun hindi ca binuhay nang lobo cong pinaualán, caloloua mo man lamang aco'y paqui-usapan. Ito'i, itiguil co muna pananaghoy nang princesa, at ang aquing ipagbadyá si don Juan de Berbania. Tatlóng taóng ualang culang ang pag-lalacad sa párang, hindi niya maalaman ang reino nang de los Cristal. Sa malaquing capalaran nang príncipeng si don Juan, ay nasalubong sa daan ang isang matandang mahal.

Sa dacong guitnâ'y naroroon ang isáng "pinya-pinyahang" kinatutusucan n~g m~ga panghinin~gáng marikít na lubhâ ang pagcacagawâ n~g m~ga "presidiario" sa m~ga horas n~g caniláng pagpapahin~galay. Ang m~ga panghinin~gáng itó'y may m~ga anyong "abanico," cung minsa'y catulad n~g m~ga pinagsalitsalit na m~ga bulaclac, ó isáng ibon, isáng "rosa", isáng dahon n~g anahaw, ó m~ga tanicalâ, na pinapagmulâ ang lahát n~g itó sa isáng caputol na cahoy lamang: isáng bilanggong pinarurusahan sa sapilitang pagtatrabajo ang may gawâ, isáng pan~gal na "cuchillo" ang gamit na casangcapan at ang voces n~g bastonero ang siyang nagtuturò. Sa magcabilang tabí n~g pinyang itó, na tinatawag na "palillera", nacalagáy sa m~ga cristal na "frutero" (lalagyan n~g bun~gang-cahoy) ang nacatimbóng m~ga "naranjitas" (santones ang tawag n~g iba), lansones, ates, chicos at manggá pa cung magca minsan, bagá man buwan n~g Noviembre. Sacâ sa man~ga bandeja sa ibabaw n~g m~ga papel na may burdang inukit at may m~ga pintáng makikináng na m~ga cúlay, nacahayin ang m~ga "jamong" galing Europa ó galing China, isáng malaking "pastel" na ang anyó'y "Agnus Dei," (tupang may tan~gay na banderang may nacadibujong isang cruz), ó cayá'y calapati, ang Espíritu Santo marahil, m~ga "pavo rellenado," at ibá pa; at sa casamahan n~g lahat n~g ito'y ang pangpagana sa pagcaing m~ga frasco n~g m~ga "achara" na may caayaayang m~ga dibujong gawâ sa bulaclac n~g bun~ga at ibá pang m~ga gúlay at m~ga bun~gang halaman na totoong mainam ang pagcacahiw