United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !


Obispong S. Rami ang siyang buminyag sa mahal na Haring nagtamo nang palad, at si Clodoveo n~galang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap. At nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang Santa Iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang Dios na Amá.

Isang calapating sa lan~git nagmula na sacdal nang puti na catua-tua, na sa loob niyong Simbahan bumaba at isang redomo ang taglay sa tuca. Na punó nang lana, ó crisma ang tauag na pauang nakita nang naroong lahat, sa loob nang Templo, caya't natalastas ang himalang yaong canilang namalas.

Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia pinagcayariang sang-usapan nila, ang balang mag Hari na sinoman siya siyang gagamitin ang himalang crisma. Mula noo'y siyang naguing calacaran na sa maghahari gagamitin lamang, yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan mula pa sa unang nayaring usapan.

Mabuti ang isang Principeng masipag na sa caharia'y marunong lumin~gap, laguing naguiguising ang pusò nang lahat at cung cailan~ga'y madaling igayac. Pinahiran na n~ga n~g mahal na crisma na galing sa lan~git na nasa redoma nang bunying Obispong S. Esteban bagá't ang boong caharian naman ay nagsaya.