United States or Tuvalu ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan. Icaualó.
Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap ang iyong Dios. Icatlo.
Ang República palibhasa'y isang Katipunan ay di nagtalaglay n~g ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua't catauo ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong marapat at matouid.