United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa Comunion nitong icaanim na Domingo ipanalan~gin sa Dios ang Santo Papa, at hin~gin ang cagalin~gan nang Santa Iglesia. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na nagtaglay nang n~galang Josef sa buhay na ito. Pagninilay sa icaanim na Domingo.

Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong ipan~ganac ni María sa Belen ang Anac nang Dios. Sa Comunion nitong icalauang Domingo, ay pasalamatan si San Josef, dahilan sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang macapangyarihan pamamaguitan niya. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sadyang nauili sa devocion sa SANTA FAMILIA.

At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan n~g man~ga hindi marunong bumasa, ó ualang maquitaan nang man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong Ama namin, pitong Aba, Guinoong Maria at pitong Gloria Patri . Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.

Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef. Pagninilay sa icaapat na Domingo.

Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang estado, ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion.

Amen. Ipagdasal nang isang Aba po, Santa María, ang man~ga caloloua sa Purgatorio. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong mapagmasdan ang cabuntisan ni María, calinislinisang esposa niya. Sa Comunion nitong unang Domingo, ay pasasalamatan si San Josef dahilan sa pagtin~gin niya, at paglilingcod cay Jesús, at cay María.

Sa Comunion nitong icalimang Domingo hin~gin cay San Josef na ilayô sa atin ang anomang bagay, na nacasisirá ó nacalalamig nang pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay parang ídolo nang pusò, na dapat bumagsac at madurog. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua nang man~ga Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa man~ga bayang hindi binyagan.

Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef dahilan sa circuncision ó pagtulo nang dugô nang mahal na sangol, na pinan~galang Jesús. Sa Comunion nitong icatlong Domingo, ay hin~gin natin cay San Josef ang caniyang mahal na bendícion, at ang pagbabalic loob nang man~ga caauay nang Santa Iglesia.

Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, María, y Josef, at ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang pitong arao na Domingo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion. Pagninilay sa icapitong Domingo.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap