United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun hindi mauala ang pamamaga nang quinagtang lugar, ay maiguing tapalan nang dahon nang dapdap na mainit init. Cun ang tinic ay hindi mabunot, ay gamutin ang maysaquit para nang turo sa párrafo 285. Gamot sa quinagat nang cocac, isa bagang hayop na catulad nang palaca.
Ang cocac ay ualang n~gipin, datapoua ang pinacan~gidn~gid noon ay matigas; caya cun mayroon quinagat noong ó cun mayroong nacacain nang cocac , ang gagauin doo,i, para nang bilin sa itaas sa quinagat nang gagamba, párrafo 152; ó gamutin para nang quinagat nang ahas, cun hindi siya gungmagaling. Aco,i, nacaquita nang isang tagalog, na munti nang namatay dahilan sa pagcain nang cocac.