United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Magandang adhicang lubos na panimdim ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin, ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing ay napaalam nang toua ay sabihin. Nang siya'y dumating sa Reyno n~g Francia ang uica sa Hari icaw po'y magsayá, pagca't ang larawan mo po'y tinangap na nang pinaglacbay cong irog mong Infanta.
Sa gabing visperas nang nasabing Pascua na pinan~gan~ganlang bagang Nochebuena, doon sa Simbaha'y gagauin Misa Infanta Clotilde'y pilit magsisimba. Ang pag Mamaytinez ay bago iraos sa man~ga pulubi siya'y maglilimos, Conde Aurellano ay doon lumahoc sa man~ga pulubi't siya'y nakiayos.
Salita Ng Araw