United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nacaaakit pang lalo sa canila ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna, at ang cabaitan nilang nakikita ang siyang totoong nacaliligaya. Gayon din ang Hari na si Clodoveo na naguing uliran n~g lahat n~g tao, sa binilóg bilog nang canyang Reyno yaong cabutihang loob na totoo.

Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga. Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito.

Obispong S. Rami ang siyang buminyag sa mahal na Haring nagtamo nang palad, at si Clodoveo n~galang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap. At nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang Santa Iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang Dios na Amá.

Siyang ipinahid nang bunying Obispo sa mahal na Hari na si Clodoveo, ang crismang sa lan~git nagmulang totoo na padala niyong Amang masaclolo. Ano pa't nabantog sa boong caharian ang himalang yaon nang Dios na mahal, na kilala nila ang capangyarihan nang tunay na Dios na ualang capantay.

Cung culan~ging palad na doon mabulid ay ano pa caya ang mapagsasapit, gaano mang gauing sisi at pagtan~gis ay uala nang daang doo'y macaalis. Haring Clodoveo ay nang binyagan na at maguing cristiano yaong boong Francia, doon nila lubos na napagkilala ang man~ga ugali't kilos na maganda.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap