United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bun~ga n~ga ng isip na pusong, naritong clérigo na may nilalayong mahalay sa bata ... ¡oh asal ulupong! Clérigo'y sumagot sa ganitong turing ¡oh fraileng halimao, tauong sinun~galing! cung ano ang puti n~g hábitong angquin sa dugó mo naman ay siyang ca-itim.

Siya'y nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos Santo sacrificio , caya n~ga at n~gayon aco'y naparito upang parusahan sa dahil na ito. Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan huag cang humanap n~g lilong dahilan, cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan dahil sa ang ibig puri ay in~gatan.

Sa hiya n~g cura ay nagpacamatay sa oras na yaong hindi namalayan, nino mang doroon cundi napaquingan ang putoc n~g isang revolver na taglay. Caya't n~g maquitang siya ay patay na clérigo'y lumapit sa batang dalaga, aniya'y masdan mo't tunay natupad na justicia n~g Dios, totoong justicia .

Mapamayamaya dumating ang juez clérigo'y casama't sa bahay pumanhic, dito n~ga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis. Pagpasoc n~g juez doon sa pintuan pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan, aniya'y sumama sa aquin n~ga icao sa n~galan n~g ley bilango cang tunay.

Icao po'y magsulit sabi sa clérigo ang tanang nangyari'y n~g matalastas co, clérigo'y tumugón ang batang narito ang lalong mabuting magsabi sa iyo. Dito na minulan n~g batang babaye ang lahat n~g bagay, at tanang nangyari, sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi na yao'y di tunay lilong pamarali.

At saca iniutos, ang patay ilibing ang juez naman n~ga'y umoui n~g tambing, at saca ang causa'y tinapos naman din n~g tama sa utos n~g matouid na bilin. Clérigo'y umoui at bata'y iniuan sa guitna n~g isang toua, at casayahan, dahil sa natapos pan~ganib na taglay n~g caniyang puring inin~gat-in~gatan.