United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !
Upanding sa iyong magagandang hatol ligalig n~g aking puso'y huminahon sa padalang salat Cela'y nagtatanong kung ano ang dapat na maguing panugon. Diyán sa hiling mo guiliw na kapatid na hatulan kita n~g itatahimik, walang mágagawa yaring aking isip kun ang iyong puso'y supil n~g pag-ibig.
Sa lahat n~g aking inilagdang titik ¿anong palagay mo Dalmaciang kapatid? sa aki'y husto na't hindí nálilihís tungkol kay Constanciong alay na pag-ibig. Cela'y tiklupin mo't sa pagbabalutan lalagyan n~g guhit ang aking pan~galan tandáng maguing saksing ako ang may bigay sa tawong nagdalá n~g panugong liham. Ang pag owi ni Dalmacia.
N~gayon ang tanong ko kapatid na guiliw huag paglihima't magtapat sa akin tungkol kay Constanciong handog na pagdaing ¿may palad na baga siyang tatangapin? Sa tanong mo Cela'y bakit maglílin~gid ang pagsasama ta'y higit sa kapatid ang katotohana'y siyang isusulit bagay sa binatang dulot na pag-ibig.