United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca. Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan. Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó. Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó magcorona.

Ay nang may isang oras na pag-lalaró nang dalauá, ay nangusap ang princesa ang músico'i, itahán na. Ang tanong nitong negrita don Jua'i, diyata bagá, totoong di mo quilala itong si doña María. Isinagót nang negrito hindi natatalastas co, anang negrita'i, ganito sasabihi'i, paquingan mo. Di cayo'i, nang aabutan nang haring Salermong mahal, gumaua pa nang paraan itong princesang timtiman.

Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora. O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan. Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa. Ani doña Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong ala-ala.

Ay naisip capagdaca nang haring caniyang amá, na cayó ay ipadalá sa reinong Inglaterra. Si doña María naman gumaua rin nang paraan, at nang cayo'i, macatanan sa reinong de los Cristal. Niyong cayo'i, aabutan nang hari niyang magulang, ay caniyang hinadlangan nang matinic na cauayan. At bago nga nacaraán ang haring Salermong mahal, ay tatlóng leguas ang lagay niyong inyong calayuan.