United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~g macaowî acó rito sa Filipinas n~g taóng 1899, ang unang minithî co'y macapagtayô ang lahing caymanguí n~g isáng marikít na "monumento" na cailan ma'y magpapaalaala sa boong sinucob cay Dr. Jose Rizal, at n~g mabigyang caganapán ang gayong nais, inísip cong yumárì n~g isáng mahalagang "Album", na ang bawa't daho'y gawâ n~g isáng matalinong filipino. Nang masabi co ang gayong panucal

Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahác

Sa matiyagá at masalicsic na pagsisiyasat ni Rizal ay caniyang lubós napagkilalang nagcacapantay-pantay ang caya n~g pag-iísip n~g lahát n~g m~ga láhì: putî, caymangui, mariláw, abo-abó ó itím, at yayamang gayó'y mangyayaring ipagcaloob sa isá't isá ang lahát n~g bágay na pamamahálang magalíng sa báyan, ó m~ga cautusán bagáng nagbíbigay n~g lálong malalakíng calay

"Na ang m~ga pagpintás na guinagawâ n~g m~ga taga Europa sa nan~gagcacaiba't ibang m~ga lahing may culay (ang m~ga caymangui, maitim, marilaw ó abo-abó) ay hindî mabigyang caliwanagan sa isáng matibay na catowiran; cayâ silá nagcacagayo'y dahil sa talagang handâ na ang caniláng calooban sa paniniwalâ, at dahil naman sa canilang pagcaisip na sila ang nauucol macapangyari sa m~ga láhing hindî mapuputî. Talastas n~g lahát na nan~gan~ganib ang m~ga lahing may culay na baca sila'y pawaláng halaga n~g lahing putî, at sa ganitong dahil, cung sila'y naglilingcod sa m~ga taga Europa ay malaki ang sa canila'y ikinalalamang, at bucod sa rito'y sa pagca't pinagwawárì na hindî magagamit ang lahing may culay sa m~ga linilimbag. Datapwa't cung paglilinin~gin, ang m~ga lahing may culay na canilang tinutucoy ay m~ga táong totoong timáw

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap