United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'y di nag-cacaisa, ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na ay ang cagalin~gan niyong caluloua. Siya'y di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang marin~gal. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang man~ga cagayacan.
Ang tatlong guinoong ito ang siyang bagong cararating. Samantalang cumacain sila n~g pan~galawang agahan, dumating si pari Salví, at sa pagcá't siyá'y cakilala na n~g mag-asawa, ipinakilala nila sa canyá, sampo n~g m~ga tagláy na carapatán n~g binátang si Linares, na nagdamdam cahihiyan. Ayon sa caugalia'y si María Clara ang siyáng pinag-usapan; ang dalaga'y nagpapahin~galay at natutulog.
May catámtamang sayá at galác ang cainan, datapuwa't n~g nan~gan~galahati na'y siyang pagdating n~g isáng cawaní sa telégrafo na si capitang Tiago ang hanap upang ibigay sa canyá ang isáng telegrama. Ayon sa caugalia'y humin~gi n~gang pahintulot si capitang Tiago upang basahin ang telegramang iyón, at ayon sa caugalian naman ay ipinamanhíc n~g lahát na canyáng basahin.