United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang taong gaya co, na guinamit ang canyang cabataan at ang canyang cagulan~gan sa pagpapagal at n~g camtan ang sariling guinhawa at ang sa m~ga anac sa panahong hinaharap; isang taong nagpacumbaba sa lahat n~g m~ga naguing calooban n~g canyang m~ga puno, na tumupad n~g boong pagtatapat sa mabibigat na catungculan, na nagtiis n~g lahat upang mamuhay sa catahimican at sa isang catiwasayang mangyayaring camtan; pagca tinalicdan n~g ganitong taong pinalamig na ang dugò n~g panahon, ang lahat n~g canyang pinagdaanan at ang boong pagdaraanan pa, at sumasa m~ga pampan~gin na n~g libin~gan, ay sa pagca't canyang napagkilalang lubos na walang capayapaang masusumpun~gan at ang catiwasiya'y hindi siyang calakilakihang cagalin~gan! ¿Ano't magpapacatira pa sa hindi sariling lupain upang magbuhay dukha?