United States or Montenegro ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dati sila,i, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya nang sila,i, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang catiguil-tiguil sila. Si cabezang Dales casama ni Próspero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc ó sa bayan, na ualang tahan. Si cabezang Angi ay nagbibigas ó lumalala nang banig.
Nang magcagayon, ay isip ninyo,i, tototoohanin ni Próspero ang caniyang pañgaco. Uala siyang catiguil-tiguil. Mamaya,i, pinaliligoan niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,i, nangdadamo siya, ó nañgañgahoy caya; ñgayo,i, pinag-iigui niya ang bacuran nang canilang bahay, ó linilinis ang canilang looban; ó cung dili caya,i, naghuhusay-husay siya nang mañga casangcapan sa pamamahay.