United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !


«Ang lilong si Neron, uica ni Hortensio, cung sa calupita,i, pang-ulo sa mundo, sampo nang asaua ay pinatay nito si Burro,t, Séneca at si Británíco. At inibig niyang ang sang catauohan ualang maguing ulo cundi isa lamang, nang sa minsang taga,i, mapucsang paminsan ang lahat nang tauo sa sang sinucuban.

Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.

¡Aba cabababaang loob na Jesús! Na baquit icao ay manin~gas at maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglin~gid mo ang ningning at sinag nang iyong carunun~ga,t, camahalan sa alapaap na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing Amang san Agustín nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,t, ihinamac nang dilang puri at dan~gal dito sa ibabao nang lupa; at tulad sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermitaño, binago,t, binalic ang man~ga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa boong sangmundo ang caniyang man~ga casalanan nang totoong caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinan~gahasang tularan nang sino man.

Dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian.