United States or Zimbabwe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yamang lubos namang pinatauad ca na nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala, ay ano ang iyong alalahanin pang cataua,i, higpitan at mag-penitencia. Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap na ipinapain niyong si Satanas, at napagkilala na caagád-agád ang gayong pagdaya at man~ga pag-upat.

Itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag-alis-is. Magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag-iiba ang cainitan n~g panahon, sapagca siya,i, pinapauisan at ang cataua,i, sumisin~gao na maigui.

FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~ ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalau

Ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nan~gin~ginig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang man~ga tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,i, tuyong tuyo.

Ang inaiilaguin nang may cataua,i, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao; n~guni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hinin~ga ay mabaho. Cun maliuag macalon-oc ang maysaquit ay mapan~ganib ang caniyang buhay.

Itong saquit ay marahil dumaan pag nacalampas ang tag-arao, sapagca ung-miinit at lungmalapot ang apdo nang tauo sa panahong yaon; at lalo pa cun ang may cataua,i, hindi cungmacain nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, na yaon ang totoong nacacahusay sa apdo.

Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit cataua,i, humina,t, naratay sa baníg, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumin~gin baga at mag malasaquit. Sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman, maliban cay Juang canyang caibigan ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

Ang uica ni Buchan, na totoong buting parapitan ang lugar na masaquit. Pag nauala na ang cólico, pati nang lagnat, at nacacatulog tulog na ang may cataua,i, purgahin nang isang mahinang pamurga, para nang maná timbang dalauang piso, na may casamang sal de Epsom timbang saicapat, na yaong dalauang bagay ay tutunauin sa isang vasong suero.

Ang saquit na pinan~gan~ganlang taon, ay marahil dumaan sa man~ga lalaqui, sa man~ga babayi; marahil namang dumaan sa man~ga bata pa sa man~ga matatanda na: Ang tauag nang castila sa saquit na ito,i, alferecía. Ang may cataua,i, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo.

Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,i, disentería cun turan nang castila. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; n~guni cun minsan uala naman.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap