United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aco'i, parang ulól bagá na sa loob cong mag-isá, cundi ngayon lamang sintá hindi co na-ala-ala. Icao ang sintá cong tunay na pinagsadyáng linacbáy. sa reinong de los Cristal ang pinuhunan co'i, búhay. Patauad doña María sa aquing pagcacasala, ang cataua't, búhay co pa ay sa iyo't, di sa ibá. At saca nag-uica naman ó haring aquing magulang, dito acó ipacasál sa emperatriz na mahal.