United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang cataua'i, hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya'i, nacatindig na. Hayo't, lacad na don Juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang. Lumacad na at umalis itong príncipeng mariquít, lagay ay cahapis-hapis damit pa ay punit-punit. Nang dumating nga siya sa palacio'i, nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód capagdaca.

Papaluin capagcuan ang negritong calibaran, cun ano't, ang nasasactán ang príncipeng si don Juan. Uiuicain nang negrita diyata't, totoó bagá, sa loob mo'i, nauala na yaong mahal na princesa. Papaluing ualang tahan ang negritong caagapay, boong cataua'i, nag-latay nang príncipeng si don Juan. Ang uica ni doña María tugtuguin yaong música, nagsayáo na mulí bagá ang negrito at negrita.

Ito ang minagaling na sa loob nilang dalaua, ang cataua'i, inumog na nang bunsong capatid nila. Di anong casasapitan nang pagtulungan sa daan, ay di nanga macagaláo ang príncipeng si don Juan. Quinuha na capagdaca ang dalá nga niyang jaula, nang dalaua't, omoui na doon so reinong Berbania. Nang sila'i, dumating na sa canilang haring amá ang ibong canilang dalá nangulugó capagdaca.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap