United States or Andorra ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga cataua'y nangyaring namanhid sa dagan n~g dusang handog n~g hinagpis, titigan sa quilos himutoc ang sulit dahil sa nangyari at sa masasapit. Sa pagayong anyo n~g isip cung masdan panulat n~g pantas tila calabisan, pagcat yao'y lalong hinahong magsay-say cung ano at gano sa puso'y pumisan.
Lumacas at yaong cataua'y humusay na anaki parang nagdahilan lamang, Hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay. Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas.
At n~gayo'y bago ca itunghay sa dugton~g n~g dulong iniuan niyaring tulang sunong, ni Romeo'y bicas at ugaling candong munting panulat sandaling isilong. Romeo ay isang bagong tauong basal mataas ang tindig sa cataua'y timbang balicat mababa't ulo't liig bagay maayos lumacad ualang cagaslauan;
Cataua'y naurong at big lang nataas ang muc-ha'y dumilim at loob nasindac. pagcat ang acalang may buhay at lacas bangcay n~g nagcatay sa dugong nagdanac. Mata'y tinin~gala't camay haluquip quip aniya "¡ó Dios co n~g aua at bihis! hindi mapag hulo ang dito'y namasid naguing bun~ga'y bangcay n~g turo cong litis.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap