United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba na napag-iwan sa escalafon n~g Guardia Civil . Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ. Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático sa San Juan de Letran . Siya'y balitang "dialéctico" , caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar" , hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador" na si B. de Luna ; itinutulad siya n~g m~ga "distingo" ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalit

Ang asawa n~g alférez, na inyóng inanyayahan sa inyóng pagcacatuwa. Cumálat cahapon sa báyan yaong nangyari sa buwaya. Cung gaano ang catalásan n~g ísip n~g Musa n~g Guardia Civil ay gayon din ang catampalasanan n~g canyáng budhî, at hininál

Sino ma'y waláng naniniwalang nagsabî si Rizal na ang canyang capatíd na babae ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na násamsam sa balutan n~g baníg at unan, Kilala n~g lahát ang ca-acasan at camahalan n~g loob ni Rizal, na ano pa't cung icapapahamac n~g canyáng capatíd, cahit maguing totoong itó ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na iyón, aangkinin ni Rizal ang casalanan, howag lamang magdusa ang capatíd niyang babae; hindî cailâ sa canyáng capatíd na pagdatíng nila rito'y pacasisiyasating magalíng ang caniláng m~ga dalá, cayâ hindî n~ masasapantahang siya'y man~gan~gahas na magdádala rito n~g m~ga bagay na talastás niyang icapapahamac, liban na lamang cung sirâ ang isip, at ang capatíd na babaeng casama n~g pag-owî rito'y matalino at mapag-in~gat, lalò n~g hindî maaacalang si Rizal ang siyang magdádala n~g m~ga dahong limbag na iyón dito, sa pagca't nalalaman n~g lahát ang catalasan n~g canyang ísip; kinacailan~gan n~gang may isáng taksíl na camáy na doo'y naglagáy, at itó n~ ang catotohanan: Ang sumiyasat n~g balutan n~g banig at unan n~g capatíd na babae ni Rizal ay ang teniente n~g carabineros na naga-apellidong Nozaleda , pamangking boô n~g arzobispong Nozaleda, fraileng dominico, at sa acalâ n~g lahat ay itó ang naglagay sa balutang iyón n~g m~ga dahong limbág na laban sa m~ga fraile, at ang nagpatibay n~g sapantahang ito'y ang nalaon at nangyari. May isáng filipinong taga Naic, nagcanuló cay Don Miguel Rodriguez Berriz Juez de primera instancia sa Intramuros, (loob n~g Mayníl

Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita.

Ang ating Pili, ay hindi marunong magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang cahigpitan nang caniyang conciencia , ó gaua caya nang catalasan nang caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. ¡Salamat nang maraming-marami sa ating Pañginoon Dios, cung ang lagay nang caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t, ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti mang uicang masama. ¡Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i, malayo!