United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya pagdating nang capanahonan. Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin ang cochillo,t, tenedor. Sa pingan ó sa vasong ini inomán ó quinacanan, cailan man ay magtitirá nang coanti. Banlauan ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang catacauan.
Quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,t, sa iyo, cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahan~galan, cun di cabaita,t, cahinhinan, sapagca,t, maguiguing capurihan nang umaral na magulang at caran~galan mo naman; ¡oh Feliza! sapagca,t, catulong ca sa pagcacalin~ga. Adios, hangang sa isang sulat.
Si Hipócrates at si Galeno at ang lahat nang médico ay nagpapatotoo na ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para nang casiyahan. ¿Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga caquilala ang dinatnan nang peste ó salot, ilan ang namamatay sa masamang han~gin; ilan ang sa taol, ilan ang nalulunod sa dugó dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginóm?