United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !
At bucod dito,i, nagcautang siya nang maraming calapastañganan, na linilisan cong talaga. Ñguni,t, itong mañga casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang magulang at mañga camaganac, cundi bagcus ay sari-saring paraan at susong-suson na cabulaana,t, casinoñgalingan ang caniyang guinamit, nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag-habag na calagayan niya.
Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang mañga asal nang mañga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi casinoñgaliñgan. Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipinañgañgaco co sa iyo na maalaman mo rin sa mañga sulat co, ang aquing isinasaloob na lahat.