United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ó calinislinisang Esposo, malualhating San Josef, na cun gaano ang bagsic nang hapis at casáquitan nang iyong pusò, niyong inisip mo na icao ay dapat humiualay sa calinislinisan mong Esposa, ay gayon din naman ang siglá nang ligaya mo, niyong ipahayag sa iyo nang Angel ang misterio nang pagcacatauan tauo nang Anac nang Dios.
At malaquing ligaya ang humalili sa casaquitan nang pusò ni Josef, sapagcat ang yun~gib nang Belen, at ang man~ga lupang caratig, ay biglang lumiuanag, at lubhang cauiliuili ang ban~góng humalimuyac, pagsilang nang Mesias: at naquita niya ang pagdating nang maraming Angeles, na nagsasaya at pumupuri sa Dios, at dumalo naman ang man~ga pastores, na nag aalaga nang hayop sa man~ga nayong yaon, at silang lahat ay paraparang natutuâ, at lumuhod at sumamba sa mahal na Niño.