United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yaring catauan co caya ay paano na caaua aua ang calagayan co, ¡oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo matiis co rin po ang hirap na ito! Itong aquing anác na iisang tunay dapat casamahin sa gabi at arao, touing magugutom siya,i, saca lamang na naparirito,t, pagcain ang pacay.
Anong naisip mo,t, nasoc sa acala dito ca nalugmoc anong guinagaua, talastas mo naman at hindi cailá mahal na amá mo ay palaguing uala. Nag-iisa aco,t, uala cundi icao dapat casamahin sa gabi at arao, icao naman bunsó ay sa toui lamang na gustong cumain nonoui sa bahay.
Ang cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan nang bata, at cun masamá ang casamahin, ay masamá rin naman ang matututuhan. Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.