United States or Equatorial Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan. Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.
Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos, magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiguing at carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan.
Pagtindig ó bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa Dios; n~guni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, ó may piguing; at cun may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay magpasalamat sa may bahay.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap