United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ: N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasir
Ang lálong magalíng na inyóng masasabi ang sagot na pagalit n~g teniente mayor na nagsisimulá ang mahusay na caruwagan sa malabis na pag-ibig sa sariling catawan, sa nawawacasan sa pagcawala n~g cahihiyan! N~gayón di'y ihaharap co sa Alcalde ang pagbibitiw n~g aking catungculan; bundat na acó n~g paglagay sa cahihiyan, na canino ma'y wala acong nagagawang cagalin~gan. ¡Paalam!