United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagca ganoon ang damdam, ang gagauin niya,i, houag titiquim siya nang carne, sabao, ó itlog; ó alac; houag siyang magsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero 1 ó 2, ga dalaua ó tatlong botella carami maghapon: cun aayao siya doo,i, uminom nang tubig na malacuco na huhulugan nang caunting suca . Cun ualang suca , ang dalauang botellang tubig na malacuco ay doonan nang caunting asín, at yaon ang inomin.

Ang tubig nang man~ga ilog na hindi inaarauan ay masama namang inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga calahating taza carami sa isang tapayan.

Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang marami nang turo sa número 12. Parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailan~gan, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahin~ga, at cun ang pulso,i, malacas at puno.

Cun baga nacalabas na ang man~ga tubig sa tiyan, at nauala ang pamamaga, ay painumin arao-arao ang maysaquit nang alac na itinuro co sa número 74, ga isang taza carami, nang lumacas ang sicmura, at ang man~ga bituca.

Maiinom maghapon nang maysaquit ang timbang cahati; datapoua ang hindi pa bihasa doon houag painumin n~g ganoon carami; sucat na roon muna ang timbang saicaualo ó saicapat. Itong polvos ay isinasama sa tubig na malacuco. Cailan~gang ituloy gauin itong ganitong gamot nang mababang panahon. Ang pan~galan nang tagalog doon sa damong yaon ay anisanisan , sapagca ang bot-o noon ay tila bot-o nang anis.

Cun nagaua na itong lahat at hindi dumalang man, pagsuca,t, pag-iiliguin, at cun dumalang man, ay sa isang tazang chá, lusauin mo ang asin na isang cucharitang café ó calahating cucharang carami, at siya mong ipagcucharang unti-unti sa maysaquit hangan di tumahan lubos ang pag-iilaguin.

Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.