United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun gayon, ang maiguing gauin, ay ituturo co n~gayon. Ang pusod ay putulin; datapoua houag talian yaong natitirang caputol na patun~go sa catauan nang bata, cundi sipsiping agad yaon ding dulo nang pusod, nang lumabas ang dugo, hangan sa masaol-an nang buhay ang bata. Cailan~gan namang tacpan ang ilong niya, at hipan nang malacas sa bibig.

Ang isang munting caputol na caua-yan, ay magagauang panhihip; n~guni cun hihipan sa ilong ay cailan~gang tacpan nang camay yaong cabilang butas nang ilong, pati nang bibig; cun sa bibig hihipan ay tatacpan naman ang ilong. Caya guinagaua ito,i, nang magpatuloy ang han~gin sa baga nang nalunod.

Gamot sa quinagat nang buaya ó pating. Cun mayroong tauong quinagat nang buaya ó pating, ang gagauin doon ay hugasa,t, linising maigui ang sugat nang alac na malacuco. Doonan nang asin ang sugat lag-yan nang caputol na sun~gay nang usa na sinunog número 30; at pag bumutao ang sun~gay, gamuting para nang guinagaua sa ibang sugat.

N~gayon ang isang caputol na tauas iyong icuscos nang icuscos sa pingang estaño na may puti nang itlog; pagca malapot na ang puti nang itlog; ay yari na ang ungüento. Maglatag ca nang caunti noon sa isang damit, at itapal mo sa masaquit, na yao,i, gagauin mong macalaua maghapon. Itong mabuting gamot ay turo ni Rozier.