United States or Argentina ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.

Ang uica nang P. Doctor Sardá: «na ang isang masamang librong may taglay na man~ga tacsil na udyoc, cun man~ga mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang cahunghan~gan sa mahunghang na maestro, at lalong dapat capootan sa magdaraya,t, mapaghibong tauo.

Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal. May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal?

Dinguin ang nangyari sa isang mapalad na virgen. Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang canyang pagca vírgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i, ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing pagca vírgen, caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca capootan nang Dios.