United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Magmulá sa cabataan, hangang sa tumanda, ay marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain, cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.
Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.