United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t, cun may isang pumuri ay sampuó ang pupúla. Huag isasaloob ang caniyang carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag mamihasáng maghambog nang di tauaguing ulól.
Sa dahilang sila ay pinarusahan n~g Dios, at ayon sa capalaloan, sa adhica nilang sa Dios mapantay ang napala'y hirap magpacailan man. Caya n~ga sa iyo'y isinasamo co na lisan ang Dioses na sinasamba mo, at talicdan mo na iyang pagca moro at iyong harapin ang pagkikristiano.