United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca. Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan. Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó. Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó magcorona.

Pumanhíc na capagdaca itong príncipeng masiglá, sa silla ay umupó na nag-usap silang dalauá. Isinagót ni Leonora tungcól sa alay mong sintá, malaquí cong ala-ala serpiente'i, cun dumating na. Saan quitá ilalagáy na sucat mong pagtaguan, nang hindi ca maamuyan niyong lilo't, tampalasan. Sagót nang príncipe't, badyá huag cang mag-ala-ala, ang bahala ay acó na sa tacsíl at palamara.

Sa príncipeng pagcalagay sa bintanang tapat naman, ang princesa ay dumungao at siya ay tinauagan. Don Juan ay abutín mo itóng mahal na bálsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapupútol na úlo. Ang balang úlong mapugay cahit siya'i, lumucsó man cun ma agád mong mabusan, di mauulí sa lagay. Quinuha na capagdaca ang mahal na balsamera, at mulíng naghamoc sila nang serpienteng palamara.

Bala niyang ipag-uica aminin mo namang paua, hindi icao ang gagauá at aco'i, siyang bahala. Paalam aco don Juan quita muna'i, malilisan. at mamayang gabi naman saca quita babalican. Umalis na capagdaca yaon ngang tatlóng princesa, ay siyang pagcaguising na nang haring canilang ama. Nang maquita si don Juan nang haring Salermong mahal tinanong na capagcuan cun anó ang sadyá't, pacay.

Ay hindi co naalaman ang reino nang de los Cristal, at malayong caharian ang hanap mong pinapacay. Tingnán cun sa aquing sacop sa hayop cong nangag-libot, cun canilang naa-abot cahariang cristalinos. Sa pintó ay lumapit na campana'i, tinugtog niya, nagsidating capagdaca madlang hayop na lahat na. Doon sa pagcacapisan nang lahat niyang familiar, itinanong capagcuan nitong ermitañong mahal.

Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua. Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá. Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap