United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama.

Cun minsan ang man~ga paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,i, nabubuloc, ang maigui ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahan~ginan; tatapalan naman nang bilin sa número 64. Ang maysaquit ay ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at houag palacarin.

Doon sa parrafo 211 ang uica co, na cun minsan ang lagnat na pan~giqui sa man~ga unang arao ay hindi naquiquilala na yao,i, pan~giqui cundi tila catulad nang lagnat nang apdo ó buloc, nasaysay na sa capítulo 20.

Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurun~gan nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa pagsibol nang n~gipin, ay cailan~gan doon ang pagsumpit at ang baños hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86.

Cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang man~ga labing apat na arao gungmagaling-galing na siya, at cun ibig niyang cumain, sundin ang bilin sa capítulo 5; datapoua,t, cun mapait ang bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab-ang nang pagcain, cailan~gan siyang purgahin nang bilin sa número 11.

Ang gagauin sa nadedesmayo ó nahanaan dahil sa siya,i, linabasan nang maraming dugo sa ilong, ay aquing sinabi na sa capítulo 42; siya ang sundin. Datapoua cun ang dahilan nang saquit na suba ay ang ibang man~ga sinaysay co sa párrafong sinundan nito, ay ganoon ang paraan nang pag-gamot.

Ang purga nacacasama,t, nacacagulo sa lahat na bituca, na yaon ang iquinamamatay nang tauo. At nang maalaman cun cailan bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pan~galan nang saquit dito sa libro sa caniyang capítulo at doon sasabihin ang gagauin. Nota.

Ang pan~galan nang ibang man~ga tauo sa saquit na ito,i, miserere, n~guni hindi ito ang miserere, cundi yaong isang saquit na sinaysay co sa capítulo 61, na sinundan nito. Ang inaanayo, ay nagsusuca,t, nag-iilaguin nang malacas. Ang maysaquit ay natatamlay muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito ang pagsuca, at ang pag-iilaguin.

Cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, ó sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa cólico bilioso párrafo 364, ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5.

Cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang galis, buni, ó piyo , ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap