United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nawaláng cabuluháng siyá'y manumpâ, na canyáng casama ang canyáng m~ga calabaw at silá ang macapagsasabi: ¿Durunong ca pa sa m~ga celador at sa m~ga hermana, paracmason, hereje? ang siyáng caniláng sinasabi sa canyá't siya'y iniirapan nilá. Nanhíc ang cura sa púlpito at inulit ang sermón tungcól sa Purgatorio, at muli na namáng lumabas ang m~ga pipisohin sa canicaniláng kinatataguan.

Maiinam na totoo ang pananamit n~g m~ga ilang sinusundan at liniliguid n~g m~ga caanib n~g canicanilang m~ga sasabun~gin; marurumi namán ang m~ga ibá, natatatac sa canilang mamayat na m~ga mukha ang larawan n~g vicio, at caniláng sinusundan n~g boong pagmimithi ang m~ga kilos n~g m~ga mayayaman at canilang pinagmamasdang magaling ang m~ga pustahan, sa pagca't mangyayaring mahuho ang m~ga bulsa, datapuwa't hindi nangyayaring masiyahan ang masamang hilig; diya'y waláng mukháng hindi guising; diya'y wala ang mapagpabayang filipino, ang tamád, ang hindi makibuin: ang lahát ay pawang kilusán, masimbuyong budhi, pagsusumicap; masasabing silá'y may isang cauhawang siyáng nagbibigay casayahan sa tubig sa pusali.

Nan~gagsisipanahî n~g canicanilang m~ga damít ang ibáng m~ga sundálo, samantalang nacahiga sa bangcô ang canilang m~ga caagulong babae, na ang híta n~g lalaki ang inuunan, nan~gaghihithiitan n~g tabaco ó cigarrillo at minámasdang ang bubun~gang nan~gayáyamot sa búhay: Tumutulong namán ang m~ga ibáng babae sa paglilinis n~g damit n~g m~ga sandata at iba pa, at inaaguing-íng ang m~ga mahahalay na awit.

Sa nakikitang calagayan niyá'y masasabing hindî totoong kinalulugdan n~g m~ga tao ang m~ga cagagawán n~g pinsan n~g ating Pan~ginoong Jesucristo; túnay n~ga't siyá'y may m~ga paa't binting dalága, at may pagmumukháng ermitaño, datapuwa't ang kinalalagyan niya'y isáng lúmang andás na cáhoy, at siyá'y dinídimlan n~g iláng m~ga batang may m~ga daláng farol na papel na waláng ílaw, na nan~gagpapaluan nang lihím n~g canicanilang farol ang isá't isá.