United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinaroonan co ñga uli ang aquing caibigan na si tandang Basio nang dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang pagcocomustaha,t, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin, cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang historiang isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito: Sinabi co na pó, sa inyo cañginang madaling arao, bago tayo,i, maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang inyong ama.
Siya nga, pó, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga, at namaril acong tuloy nang caunting oras sa manga tabing palayan. Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, pagcocomustahan , ay pumanhic na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio nang gayon: ¡Silia! ¡Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.