United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya ang "tratado" biglang pinirmahan sa bayang Navotas n~g bunying general sa pinamansagang balitang tulisan na si Camerino at si Luis Parang. Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galác pagca't napayapa caguluhang cagyat, at tanang «hacienda» nilang ini-in~gat, ay muling babalic na di magluluat.
Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua comisióng nahalal cusang papayapa sa cay Camerino na naghimagsic n~ga sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila. N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pan~gaco n~g autoridades sa tanang tagalog na nag-alsang tiquís.