United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa arao ring yao,i, naput-lán ng ulo ang tapát na loob n~g m~ga consejo at hindî pumuról ang tabác na lilo hangang may mabait na mahal sa Reino. Umacyát sa trono ang Condeng malupít, at pinagbalaan acó n~g mahigpít, na cong tumangáp sa haying pag-ibig dustáng camataya,i, aquing masasapit.

«Camataya,t, dusa,i, siyang ninanasa «nang bunying Teresa, inang daraquila, «ang cay Pazis nama,i, sucat ang dalita «at houag mamatay sa laguing pagluha. «Mapalad na saquit, matamis na hirap, «na pinapalitan nang ligayang uagas: «mapait na toua,t, guinhauang camandag, «na hinahalinhan nang saliuang palad

Dito na lumagui ang bunying dalaga, at pinapagsaua puso sa pagsinta: ang pagod at puyat inaalintana, sampong camataya,i, hindi anumana. At ang uica niya,i, cung ualang dalita uala ring hihinting ligaya at toua, ang hindi nagbata sa balat nang lupa sa cabilang buhay naman ay luluha.

Payapa na namán disin yaring dibdib; napag-quiquilalang ca-auay cang labis at binaya-ang nagca-patid-patid, ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit. Itóng iyóng aua,i, co hinahan~gád, pataín mo acó,i, siyang pitang habág, dimo tantô yaring binabatáng hirap na ang camatayan ang búhay cong hanap.

Sa sinapupunan nang Conde Adolfo aquing natatanáo si Laurang sintá co, camataya,i, nahan ang dating ban~gis mo? nang díco damdamín ang hirap na itó. Dito hinimatáy sa pag hihinagpís sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit, ulo,i, nalun~gay-n~gay, lúh