United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mayroong isa pa manding masama, na marahil canin nang tagarito sa Filipinas, yaong bagang itinitinda, na ang pan~gala,i, suman, empanada, oocan, calamay, madhoya, ó tinapay na hindi alza, na paraparang nacasisira sa sicmura; at saca nanhihila nang lagnat, man~ga bicat, at sarisaring sibol sa catauan nang tauo. Ang man~ga dahilang iquinalalaqui nang man~ga saquit nang tauo.
Itong damo,i, quilala nang man~ga bata, sapagca ang dahon ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa arauan parang calamay. Ang catauan noon ay gan~ga tingting nang ualis, at namumulupot sa cahoy. Ang bulaclac ay totoong unti at ualang color. Ang ibang puno ay bungmubun~ga, at ang iba,i, hindi. Cun mahinog ang bun~ga ay mapula, at mayroong isang boto sa loob.
Houag cumain nang bun~ga nang cahoy, cun hindi hinog na totoo. Mag-in~gat siya sa man~ga calamay, suman, empanada, etc. at pauang masama. Itong ganitong asal ay caya naquiquilalang nacagagaling sa man~ga sangol, sapagca cun gayo,i, hindi namamaga ó lungmalaqui ang canilang tiyan. Ang canilang muc-ha ay masaya, guising ang canilang loob, at hindi sila macuyad.