United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Mag-aral na ang mañga magulang, at mag-aral pati ang mañga anac dito sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, cung paañgatin nang mañga magulang ang canilang mañga anac sa tapat na calalaguian, at ilipat ó icana caya sa hindi tapat ó cahiyang na calagayan .
Ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, ó isang macetas caya, na itinatanim sa masama,t, pacat na lupa, na diliguin mo ma,t, diliguin maya,t, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua, cundi bagcus nalalanta, at tila,i, naghihimatay, at camatayan ding ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang cahoy ó macetas , sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya.
Salita Ng Araw